Sunday, April 3, 2016

Kung Walang Artista



Kung walang artista sa mundo
Paano na kung pag-kape tayo
Ano ang ating pag-uusapan

Kung walang artista sa mundo
Paano na kung gusto kong umiyak
Wala nang sinehan

Kung walang artista sa mundo
Sino ang magsasabi sa akin
Kung ano ang uso ngayon

Kung walang artista
Ako naman ang ar-arte
Ako ang artista ng buhay ko

Friday, March 18, 2016

Pan-to



Pan-to ang tawag
Sa salo salo
May kasal
May unang anak
May biyabiyahe
May bumalik sa biyahe

Paikot-ikot si Ma'am Suzie
Nakahanda ang chopsticks ko
Sa kanang kamay
Pagdating ng mani
Kukunin kaagad

Umpisa 
ng marami pang pagkain

Friday, March 11, 2016

Buhay ni Chan Teh


           para kay angkong

Sa wakas
Mas malinaw na ang istorya
Isa't isa kong dinikit
Parang jigsaw puzzle

Parang marami na kanyang
Kababayan sa Tsina
Umalis siya, tumawid ng dagat
Noong sampung taon siya
Para makatulong sa pamilya 
Yan ang dating OFW

Vigan ang naging pangalawang
Bahay niya
Nagtrabaho, nakaipon
Umuwi at nag-asawa

Lumaki ang pamilya
Lumaki ang negosyo
Lumaki din ang poblema 
Noong dumating ang mga Hapon

Nasira ang negosyo
Nasira ang buhay
Umalis na naman
Manila ang pangatlong bahay

Nirerespeto, mabait,
Maganda ang kanyang loob
Hanggang wala na siyang maibibigay
Kundi buhay niya

Natapos ang lahat
Sa Chinese Gen
Huling salita
Noong sesenta anos

Monday, March 7, 2016

Vigan



Kung mawawala ang lahat
Hindi ang siyudad na ito 
Para kay itay 
Pwede siyang lumakad dito 
Kahit nakapikit ang mga mata 

Kaliwa 
Kanan 
Deretso 
Paikot-ikot kami 
Palaging tama ang kanyang turo 

Ganito ba kung tumanda?
Mawawala ang lahat 
Hindi ang siyudad na ito 


Friday, March 4, 2016

Ang Bayan ng Dragon at ang Bayan ng Lechon



Noong maliit pa ako 
Ang sabi sa akin 
Sa malayong lugar
may bayan ng Dragon
Iyan ang bayan mo

Nag-aral, lumaki,
Umalis ako 
Naging dayuhan sa bayan ng  dayuhan

Noong napagod
Ang katawan at puso 
At hinahanap si inay 
Lechon ang aking kinakain 

Thursday, March 3, 2016

Barkada




May ngiti sa mukha 
May beer sa mesa 
May tawanan sa gitna
Yan ang pagsasama na wala sa States
Iba talaga
Ang kaibigan mula sa pagkabata 

May pamilya 
May poblema 
May takot 
May galit 
Iba talaga 
Ang kaibigan mula sa pagkabata 

Natapos ang kainan
Natapos ang gabi
Hindi matapos ang aking pagsasalamat 

Wednesday, March 2, 2016

Kabalintunaan



Nagsamasama tayo at nag-away-away tayo
Parang sibuyas at sibuyas
Parang yelo at yelo 

Iyan ang buhay ng tao 
Ang drama
Ang sama ng loob
Ang tuwang may luha 

Sa araw na ito 
Sa wakas 
Naintindihan ko 

Trapik




Dahil sa trapik 
May motorcycle taxi
Mas mabilis kung makakasingit ka 
Parang ahas ng trapik 

Dahil sa trapik 
May tindero sa gitna ng malaking kalye 
Sigarilyo, tubig at miryenda 
Mini sari-sari store 

Isang trapic 
Isang buhay
Relax ka lang, pare ko 
Makakarating ka rin 
Sa pupuntahan mo

Balikbayan



Mga kalye na may lumang
pangalan, 
Oroqeta, Gandara, Ongpin
natuwa ako, 
parang kaibigan na kilala ko.

Moonlight bakery
Open 24 hours,
Aba! Napaka romantic, siguro 
may harana din

Wash, dry, press
P55/kilo
Ang mga damit ay parang
prutas at gulay,
tinitimbang ka 

Nasaan na ang Betamax store
Nasaan na ang barbero 
Tumanda at lumaki na ako
Ang puso ay bata pa rin



Monday, February 29, 2016

Umuwi Ako



Ganoon sila magsalita 
Putol, pero naiintindi ko 
Magkano, bigas, sabay turo 
Ganoon sila magsalita 

Walumpung taon na
Ganoon pa rin ang salita nila 
Ako naman, pinag-anak dito 
Umalis 
Mas mabuti ang Tagalog
Hindi putol pero may Tsino 
Sa tunog, gaya ng mestisong 
Mangga at mansanas, iba 
Ang amoy at lasa 

Dalawang araw na
Putol pa rin ang tulok ko 
Sabi ng kaibigan ko kagabi 
Umalis siya ng anim na taon 
Isang taon bago nasanay siya
Dalawampu't limang taon sa akin 
Matagal pa 
Para masanay 



Sunday, February 28, 2016

Bingi




Mahirap  aminin pero totoo
Mahina na ang tenga ko 
Kahit ano ang sabihin mo 
Ngiti lang ang sagot ko 

Mahina na ang tenga ko 
Siguro mas masaya, puro ngiti 
Ngiti lang ang sagot ko 
Bakit? Sabi mo, ano ang nangyari 

Siguro mas masaya, puro ngiti 
Masaya din kayo kahit paano 
Bakit?  Sabi mo, ano ang nangyari 
Iba na lang ang ating usapan 

Masaya din kayo kahit paano 
Magkaibigan din tayo kahit paano 
Iba na lang ang ating usapan 
O tahimik na lang ako, mga kaibigan 

Lauriat



Parang umiikot na buffet
Iba talaga ang kainan dito

Ang lola sa kaliwa 
Binigay sa akin ang hipon 
Ang lolo sa kanan
Binigay sa akin ang sabaw 

Paikot-ikot ang pagkain 
Paikot-ikot ang ulo ko 
Tama na ba?


Kasal sa Simbahan




Bilang  isang makata at photographer
Di ko alam kung saan ako titingin 

Sa mga mahal na kamera 
O iba't ibang makulay na bulaklak 

Katoliko ka pala
Sabi ng isang kaibigan
May asawa ka, makinig ka
Sabi ng isa pang kaibigan 

At nang matapos ang seremonya 
Walang bigas na tinatapun, bawal 
Bubbles na lang 

Saturday, February 27, 2016

Mabuhay



Alam ko na nasa bahay na ako
Nakauwi
Malagkit na naman ang balat 

Iba ang amoy 
Iba ang tunog ng kapitbahay 
Tumiktilaok ang manok 

Sabi ng buong katawan ko 
Mabuhay 


Intro

When in Rome, be a Roman.
I'm home, in Manila.
I will write my poems in Tagalog.
The beginning of a new collection.

Maraming salamat po!